Abot-kamay na loans mas pinaigting hatid ng ng Asian Development Bank at GCash

ADB at GCash naglunsad ng loan at financial literacy program para palawakin ang access sa puhunan ng MSMEs at women entrepreneurs.
0

Mas maraming Pilipinong negosyante ang mabibigyan ng pagkakataong magsimula at lumago sa kanilang business or negosyo. Sa tulong ng Asian Development Bank at GCash, mas pinalawak ang access sa puhunan para sa MSMEs at women entrepreneurs, lalo na sa mga lugar na may mataas na antas ng kahirapan.

Hindi lang pautang ang hatid ng programa kundi kaalaman din. Sa pamamagitan ng financial literacy workshops at digital loan tools, mas natutulungan ang maliliit na negosyante na matutong mangasiwa ng pera at umutang nang responsable para sa pangmatagalang pag-asenso.


Ginhawa at pag-asa ang hatid sa mga maliliit na negosyante o MSMEs, mga women entrepreneur lalo na sa mga high poverty area sa buong Pilipinas, matapos aprubahan ng Asian Development Bank (ADB) ang ₱1.75 bilyon ($30 milyon) na loan para sa GCash Fuse Financing, Inc. Layunin nito na mas mapadali ang pag-utang ng puhunan at makatulong sa paglago ng kanilang negosyo.

[L-R] Mastercard Center for Inclusive Growth senior vice president Subhashini Chandran; Finance of the Asian Development Bank director general for sectors department 3 Christine Engstrom; Fuse Financing Inc. president and CEO Tony Isidro; Department of Trade and Industry secretary Cristina Roque; and Mynt president and CEO Martha Sazon


Inilunsad nila ang loan program kung saan ay nagsagawa rin sila ng financial literacy workshop para sa daan-daang MSMEs kasama na ang mga may-ari ng sari-sari stores at carinderia. Hangad nitong palawakin ang kanilang kaalaman tungkol sa maayos na pamamalakad ng pera at responsableng pag-utang.


Nais ng GCash at ADB na matulungan ang maraming negosyante kaya bukas ang loan program kahit sa mga first-time borrower. Hindi rin kinakailangan ng collateral at maraming dokumento na kadalasang humahadlang para makautang sila.


Gamit ang GScore, sariling teknolohiya ng GCash app, nasusuri agad kung qualified ang negosyante para sa loan. 


"Sa pakikipagtulungan sa ADB, napalalakas namin ang misyong gawing mas abot-kamay ang mga loan para sa mga Pilipinong higit na nangangailangan nito, sa mga gusto magnegosyo at palaguin ang kanilang negosyo," ani Tony Isidro, CEO at presidente ng Fuse Financing Inc., ang lending arm ng GCash.

Department of Trade and Industry acting regional director Jay Acar; Mynt president and CEO Martha Sazon;  Department of Trade and Industry secretary Cristina Roque; Fuse Financing Inc. president and CEO Tony Isidro; Finance of the Asian Development Bank director general for sectors department 3 Christine Engstrom; and Mastercard Center for Inclusive Growth senior vice president Subhashini Chandran

Tinututukan ng GCash at ADB ang mga maliliit na negosyante o micro, small, medium enterprises (MSMEs) dahil malaki ang kanilang ambag sa ekonomiya. Karamihan o 63% ng may-trabaho ay dahil sa mga MSME.


Gayunpaman, nananatiling problema ang kakulangan ng access sa financing dahilan para maging mabagal ang kanilang pag-asenso. Ayon sa isang pag-aaral ng ADB, isa ito sa mga itinuturing na malaking hamon para sa mga MSME, bukod sa kakulangan ng kapital.


“Sa GCash, gusto naming mapadali para sa mga MSME ang pag-utang, para mas maraming negosyante ang magkaroon ng oportunidad na lumago at umunlad,” pahayag ni Isidro.


Kaugnay nito, inaanyayahan ni Isidro ang mga MSME na mag-apply sa loan program na katuwang ang ADB.


“Kaagapay ng mga MSME ang GCash para sa mas mabilis na pag-asenso ng kanilang negosyo. Hangad namin ang kanilang manigong kinabukasan,” pagtatapos ni Isidro.

No comments

Post a Comment